CENTRAL MINDANAO-Upang manatiling ligtas ang mga motorista at ang publiko sa pangkalahatan, kailangang sundin ang mga ipinatutupad na batas-trapiko at pairalin ang disiplina sa daan.
Ito ang nagpapatuloy na mandato ng Traffic Management and Enforcement Unit o TMEU ng Kidapawan City na naglalayong magkaroon ng kaayusan sa kalsada maging ito man ay sa national highway o iba pang daanan at mapanatili ang ligtas na biyahe ng mamamayan.
Sa ginanap na Flag-raising ceremony at employees’ convocation ng City Government of Kidapawan nitong Lunes. Pebrero 20, 2023 na pinangasiwaan ng TMEU sa pangunguna ni TMEU Head Moises Sernal ay inihayag nila ang mga accomplishments o tagumpay ng tanggapan para sa CY 2022 kabilang ang mga sumusunod:
- Violation of City Ordinance No. 16-1067 (procedures and guidelines franchise and other fees for tricycle operations – 1,054 apprehensions na kinabibilangan ng no driver’s ID, “kolorum” operation, wearing shorts, fast lane at no driver’s license.
- Violation of Republic Act 4136 Land Transportation and Traffic Code – 749 apprehensions para sa RA 10054 (The Motorcycle Act of 2009 – standard protective helmets}; 231 impounded na mga sasakyan, at abot sa 2,057 apprehensions o dinakip na mga motorista.
- 43 mediations mula sa kabuoang 51 reklamong naisampa
- Lost and Found items 419 ang nabalik o nasoli na sa mga may-ari
- Pamimigay ng Slow Down School Zone signage sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod
- Abot sa 4,569 tricycle drivers at operators na nabigyan ng kaukulang seminar
- Abot sa 32 seminars para sa tricycle drivers at operators
- Seminars na laan sa mga BPAT at TMU Enforcers mula sa 2nd District of Cotabato (Makilala, Magpet, Arakan, Antipas at President Roxas.
- Planong refresher/retooling ng LTO Deputized Agents para sa epektibong pagpapatupad ng mga batas -trapiko partikular na ng RA 10054 at RA 4136.
- Abot sa P403,950 halaga ng penalidad mula sa iba’t-ibang mga paglabag sa batas-trapiko na nakolekta ng City Treasurer’s Office.
Kaugnay nito, ipinahayag ni TMEU Head Sernal na ang makatotohanang pagpapatupad ng batas-trapiko kasabay ang pagpapairal ng disiplina sa kalsada o sa daan ang siyang pangunahing layunin ng tanggapan.
Kaya naman tuluy-tuloy lang ang TMEU tungkulin nito sa mamamayan upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko at matiyak na umiiral ang kaayusan at disiplina sa hanay ng mga motorista.