Sinuspende ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapatupad nila ng number coding scheme sa Metro Manila sa darating na Hunyo 17 ng taong kasalukuyan.
Ito ay bilang pagbibigay daan sa paggunita ng “Eid’l Adha” o Feast of Sacrifice sa Lunes.
Kung matatandaan, una nang idineklala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang regular holiday ang nasabing “Eid al-Adha” sa ilalim Presidential Proclamation No. 579 upang bigyan ng araw ang mga Pilipinong Muslim sa ating bansa na gunitain ang nasabing selebrasyon.
Habang patuloy naman ang paalala ng MMDA na saan man daw ang inyong byahe o destinasyon ay ugaliing planuhin ang biyahe, sumunod sa mga batas trapiko na pinaiiral at gayundin ang pag-iingat sa pagmamaneho upang masiguro ang kaligtasan sa lansangan.