-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nilinaw ni Cotabato Governor Nancy Catamco na may mga pagbabago sa pagpapatupad muli ng General Community Quarantine (GCQ) sa probinsya na inaprubahan ng National Inter-Agency Task Force on COVID-19.

Ang mga sumusunod ay bahagi nang ipapatupad na alituntunin sa pagsisimula ng GCQ ngayong araw Hunyo 16 hanggang Hunyo 30:

  1. May ilalabas na klasipikasyon sa kung sino ang magpapakita ng negative RT-PCR test result sa mga border checkpoints.
  2. Wala ng NO MOVEMENT SUNDAY, magiging DISINFECTION SUNDAY na ito kung saan lahat ng mga establisyemento ang magsasara tuwing Linggo upang magsagawa ng disinfection.
  3. Back to normal na rin ang misa sa mga simbahan tuwing Linggo, subalit kailangan pa ring tumalima sa 30% na itinakdang seating capacity.
  4. Mananatili naman ang curfew hour na magsisimula sa alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ang pagpapatupad ng Health Protocols sa probinsya ng Cotabato kontra COVID-19.