-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinag-aaralan na ng City Government of Legazpi ang rekomendasyon sa Bicol Inter-Agency Task Force sa pagpapatupad ng “granular lockdown” sa ilang purok o compound dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus disease.

Apela pa ng alkalde sa lungsod ang mas mahigpit na contact tracing sa mga barangay habang una ang isinailalim sa lockdown ang Barangay Baybay, Pigcale at Sabang.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Noel Rosal, nakausap na umano nito si Department of Health (DOH) Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera hinggil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan tinalakay ang pagiging maingat sa pasya.

Kasilangan kasi aniyang timbangin ang magiging epekto nito sa ekonomiya.

Subalit iginiit ni Rosal na depende sa sitwasyon sa mga susunod na araw ang pagsasailalim sa lockdown.