Pinalawig pa ng kinauukulan sa tatlong araw ang pagpapatupad ng gun ban sa buong National Capital Region bilang security measure sa isasagawang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) Secretariat, ang gun ban ay magsisimula sa araw ng sabado at magtatapos ng hating gabi ng July 22.
Paliwanag ng grupo na ito ay bilang precautionary measure upang matiyak ang kaligtasan ng publiko na dadalo rin sa naturang national event.
Una nang inanunsyo ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) Secretariat ang implementasyon ng gun ban sa buong bansa ay epektibo lamang sa Lunes o mismong araw ng SONA.
Kinumpirma rin ng Philippine National Police na aabot sa 22k na kapulisan ang kanilang idedeploy para mag secure sa araw ng SONA.
Ayon kay PNP chief Police General Rommel Marbil, ang bilang na ito ay maaari pang madagdagan sa sandaling makakita o makatanggap sila ng bansa sa seguridad.
Nakatakda namang magkasa ng kilos protesta ang mga progresibong grupo partikular na ang Bagong Alyansang Makabayan.
Kaugnay nito ay magpapatupad sila ng maximum tolerance sa mga militante.
Sa kabila nito ay nanawagan ang kapulisan sa kanila na siguraduhing hindi ito magdudulot ng abala sa publiko.