Inirekomenda ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. ang pagpapatupad ng mas mahigpit na parusa para sa jaywalking sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Kaugnay nito, hinimok ng kalihim ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makipagtulungn sa mga lokal na pamahalaan para pag-aralan ang rekomendasyon nito.
Sinabi din ni Sec. Abalos na dapat ikonsidera ng MMDA ang naturang panukala sa mga lugar kung saan delikado ang jaywalking lalo na sa kahabaan ng EDSA at C-5 road.
Saklaw ng EDSA ang mga lugar kabilang ang Caloocan, San Juan, Quezon City, Mandaluyong, Makati, at Pasay.
Inirekomenda rin ni Abalos na dapat ikonsidera ng MMDA ang community service bilang alternatibong parusa sa mga lumalabag.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta si MMDA acting chair Romando Artes sa rekomendasyon ni Sec. Abalos at inihayag na makikipagtulungan ang kanilang ahensiya sa Department of Transportation para sa pagbuo ng mga estratehiya upang hindi na mag-jaywalking pa ang mga tao kabilang sa nakikitang solusyon ay ang pag-install ng wire mesh sa jaywalking hotspots.