Posibleng ipatupad ang Motorcycle lane sa sa lahat ng pangunahing kalsada sa Metro manila, kung sakalng maging matagumpay ang pilot run na isinasagawa sa Commonwealth Quezon City.
Una rito, bumaba na nga ang na-flag na mga motorista o rider sa unang apat na araw ng dry run ng exlusive motorcycle lane.
Ayon kay Metropolitan Manila development Authority Acting Chairman Atty. Don Artes nasasanay na umano ang mga motorcycle riders at driver ng four-wheel vehicles sa patakarang itinakda na ganap na ipatutupad ngayong March 20 ngayong taon.
Sa ngayon umaasa pa rin ang ahensya na patuloy na bababa ang bilang ng mga flag motor riders at kanila pa rin patuloy na gagabayan ang mga motorista lalo na’t sa mga pinaka malaking kalsada sa Metro manila.
Samantala, on track pa rin naman ang single ticketing system ng Metropolitan Manila Development Authority at magkakaroon rin ng dry run na gaganapin sa Abril pagtapos ng Holy week.
Pinaghahandaan na rin umano nila ang mga gagamitin kasama ang Land transportation office upang sa ganun ay mas maganda ang kanilang pagpapatupad at mas sumunod pa ang mga rider at driver sa kalsada.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang dry run naman para sa exclusive motorcycle lane at inaasahan pa na mas makikilahok pa ang mga motor rider para sa mas ligtas na biyahe.