-- Advertisements --

Kumpiyansa ang pamunuan ng Department of Agriculture na nagiging epektibo ang pagpapatupad ng maximum suggested retail price sa bigas sa bansa.

Ayon sa ahensya , patuloy ang pagbaba sa presyo ng bigas sa mga merkado dahil sa pagpapatupad nito.

Batay sa monitoring ng DA, bumaba na sa P49 ang presyuhan ng bigas mula sa dating P64 kada kilo para imported rice.

Ito ay alinsunod sa pagpapatupad ng MSRP noong unang araw ng buwang ito.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Agri. Sec. Francisco P. Tiu Laurel Jr. asahan pa ang pagbaba sa presyo ng bigas sa mga pamilihan bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Malaki rin aniya ang maitutulong sa pagbaba ng presyo kung bababa ang presyo nito sa pandaigdigang merkado.