CENTRAL MINDANAO – Minor Adjustments, ang nakita ng mga evaluators matapos na kanilang beneripika ang ipinatupad na panibagong road clearing implementation ng DILG para sa mga LGU lalo na sa bayan ng Kabacan, Cotabato.
Kasama sina MPDC Engr. Randy Baweg at Kabacan MLGOO Ranulfo Martin kanilang sinamahan ang evaluators na binubuo nina Banisilan MLGOO Maguid Dagonaway, BFP Banisilan FO2 Ian Canon, Banisilan CSO Rep. Crisostomo Calva, Jr., at PNP Banisilan PEMS Arwin Binayao sa mga lugar sa bayan at nagsagawa rin ng random barangay road clearing checking.
Ilan sa mga barangay na napili randomly ay Brgy. Aringay-Malanduague-Bannawag Road, at Sanggadong Road na nagresulta sa 100% complied sa utos ng DILG.
Samantala, ang mga tinutukoy na kailangan pang bigyan ng pansin ay ang Aglipay Street patungong Saranay.
Ayon sa evaluators, minor adjustments lamang ang kailangan at napabilib din ang mga ito sa ilalim ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa pag-implimenta ng nasabing kautusan.
Nagpasalamat naman si Mayor Guzman sa mga evaluators.
Aniya, malaki ang maitutulong ng resulta upang pag-ibayuhin pa ng LGU ang DILG memo.
Inaasahan na mailalabas ang rating ng bayan ngayong Biyernes o sa susunod na linggo.