-- Advertisements --
image 211

Ipinagpaliban ng lokal na pamahalaan ng Makati ang conversion ng bike lanes sa Ayala Avenue mula Pebrero 15, ay ipapatupad na ito sa Ika-15 ng Marso.

Kailangan umano nito ng sapat na panahon para muling pag-aralan ang mga pagpapahusay sa kaligtasan ng mga bikers.

Ito ay matapos magprotesta ang mga siklista at tagapagtaguyod laban sa hakbang ng lokal na pamahalaan na gawing shared lane, o “sharrows,” ang bike lanes sa lungsod.

Ang mga siklista mula sa iba’t ibang grupo ay nagtungo sa mga lansangan upang magprotesta laban sa naturang conversion at nangatuwiran na ang pag-coconvert ng mga bike lanes ay naglalagay ng panganib sa buhay ng lahat ng mga commuter, hindi lamang sa mga siklista.

Dagdag dito, sumasang-ayon ang Makati City government na ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada ay dapat bigyan ng lubos na kahalagahan.

Nauna nang sinabi ng pamahalaan ng Makati na ang pag-convert ng mga lane sa Pebrero 15 ay isang hakbang upang mapaunlakan ang mas maraming bisikleta at commuter na gumagamit ng mga pampublikong sasakyan.