Pinahihigpitan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapatupad ng student fare discounts sa lahat ng public utility vehicles.
Ginawa ni Iligan City Rep. Frederick Siao ang naturang apela ngayong balik-eskuwela na ang mga mag-aaral.
Binigyang-diin ng kongresista na dapat maging patas at mahigpit din ang LTFRB sa pagpapatupad ng diskuwento para sa pamasahe ng mga estudyante, gayundin ang sa mga nakatatanda at may kapansanan.
Nais din ni Siao na isama ang mga taxi, FX at ride-sharing apps kagaya ng Grab sa mga magpapatupad ng discounted fare.
Sa kabilang dako, target daw nilang maipasa sa 18th Congress ang Commuters’ Welfare Fund.
Dito aniya mapupunta ang lahat ng mga makokolektang multa sa mga lumalabag para gamitin naman bilang tulong sa mga biktima ng aksidente sa daanan.