-- Advertisements --

Walang nakikitang problema ang Department of Health (DOH) kung ang isang indibiwal ay nagpaturok ng COVID-19 vaccine sa ibang lugar na hindi ito residente.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon silang polisiya na maaaring mabakunahan ang isang indibidwal lalo na kung temporaryo itong titira sa lugar.

Depende rin aniya ito sa sirkumstansya dahil strikto sila sa tinatawag na geographic limitations.

Reaksyon ito ng DOH officials sa ginawang pagpapabakuna sa Davao City ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro na residente ng Tarlac.