-- Advertisements --
image 30

Nakapagtala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng pagtaas na 7.2 porsiyento sa year-to-year para sa buwan ng Agosto.
Base sa seasonally-adjusted basis, ang natitirang universal at commercial na mga pautang sa bangko, na net of reverse repurchase (RRP), ay lumawak ng 0.6 porsyento.
Ang mga natitirang pautang naman na net ng mga ito ay lumago din ng 7.2 porsiyento noong Agosto mula sa 7.7 porsiyento noong Hulyo.
Habang bumagal ang paglago sa mga natitirang pautang para sa mga aktibidad sa produksyon sa 5.5 porsiyento noong Agosto mula sa 6.2 porsiyento noong nakaraang buwan kahit na sa gitna ng patuloy na paglawak ng pagpapautang sa mga pangunahing industriya tulad ng real estate (5.7 porsiyento); suplay ng kuryente, gas at airconditioning (9.0 porsyento); wholesale at retail trade, at pagkumpuni ng mga sasakyang de-motor at motorsiklo (7.1 porsyento); information and communication (10.7 porsyento); at mga aktibidad sa pananalapi at insurance (6.1 porsyento).
Samantala, ang pagpapalawak ng consumer loan sa mga parokyano ay napanatag sa 22.7 percent noong Agosto mula sa 22.6 percent noong Hulyo, dahil pangunahin sa paglaki ng utang sa pamamagitan ng credit card at mga motor loans.
Sa hinaharap, patuloy na tinitiyak ng BSP na ang domestic liquidity at lending dynamics ay mananatiling angkop sa mandato nito sa presyo at financial stability.