-- Advertisements --

Pinalawig ng gobyerno ang grace period ng pagbabayad sa mga utang ng mga apektadong tourism micro, small and medium enterprises (MSME).

Ayon sa Department of Tourism (DOT) na kanila ring niluwagan ang ibang termino ng mga tinatawag ng soft loans ng mga negosyante para sila ay makabangon.

Mula kasi sa dating isang taon ay ginawa ng DOT kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) Small Business Corp. ang grace period ng hanggang 2 dalawang taon ng interest-free soft loans base na rin sa nakasaad sa Bayanihan 2 ang pandemic recovery program ng gobyerno.

Sa nasabing kasunduan ay mapapanatili ng mga tourism industry ang kanilang mga empleyado.

Paglilinaw ng DOT na tanging mga MSME accredited ng tourism department o mga rehistrado ng Barangay Micro Business Enterprises ang maaaring makakuha ng relief measures.