-- Advertisements --

Inaasikaso na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang repatriation o pagpapauwo sa mga labi ng 3 oveseas Filipino workers na nasawi sa matinding pagbaha sa United Arab Emirates.

Kaugnay nito, nakipag-uganyan na ang Migrant Workers Office – Dubai at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Office sa kamag-anak ng mga nasawing OFWs at ipinaliwanag ang kinakailangang procedures para sa repatriation ng mga labi pauwi ng Pilipinas.

Maalala, ayon kay DMW officer-in-charge USec. Hans Leo Cacdac na nasawi ang 2 Pinay worker dahil sa suffocation matapos matrap sa kanilang sasakyan sa kasagsagan ng baha noong Miyerkules.

Habang ang ikatlong biktimang Pinoy worker na nasawi ay dahil sa tinamo nitong major injuries nang mahulog sa sinkhole ang kaniyang sasakyan. Ang 2 kasamanhan nitong OFWs naman nang mangyari ang insidente ay nagtamo ng injuries at nagpapagaling na.

Nabisita na rin ng MWo-Dubao officers at nakausap ang mga nasugatang OFWs habang nasa ospital.

Samantaal, nakikipagtulungan na rin ang DMW at OWWA sa Philippine Consulate General sa Dubai para tulungan ang mga na-stranded na OFWs at iba pang mga Pilipino na naapektuhan ang flights matapos maantala o mareschedule dahil sa masamang lagay ng panahon.

Nakapagbigay na rin ng kaukulang tulong ang MWO-Abu DDhabi sa 800 OFWs na naninirahan at nagtratrabaho sa Al Touba District sa Al Ain na matinding naapektuhan ng severe wether disturbance.

Samantala, kahit na bumuti na ang weather conditions, iniulat ng MWO-Dubai na malaking bahagi pa rin ng Gulf state ang nananatiling lubog sa baha.