CAUAYAN CITY- Dalawang overseas Filipino works mula sa Hongkong at taiwan ang nakatakdang iuwi ang kanilang mga labi dito sa lalawigan ng Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Romy Santos, media consultant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na unang dumulog sa migrants desk ng tanggapan ng Punong Lalawigan ang pamilya ng nasawi na si Imelda Bartolome, 53 taong gulang, residente ng Palattao, Naguillian, Isabela.
Si Bartolome ay humigit kumulang 15 taon nang nagtatrabaho sa Hongkong at hindi pa malinaw kung ano ang ikinamatay nito.
Ang pangalawang iuuwi ang labi ay si Jonald Felix ng Dalig Kalinga, Aurora, Isabela, isang fisherman sa Taiwan.
Batay anya sa salaysay ng ina ni Jonald sa migrants desk ng provincial government ang kanyang anak ay unang nagtrabaho sa isang barko bilang mangingisda subalit tumakas at nagtabaho sa isang plantasyon.
Naging maganda naman ang trabaho ng anak sa plantasyon ngunit batay sa kanilang nakuhang impormasyon namatay ang anak makaraang maaksidente sa motorsiklo.
Sa ngayon ay nakikipagtulungan na ang migrants desk ng provl. Gov’t. ng Isabela sa Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration para sa agarang pagpapau-uwi ng mga bangkay ng dalawang OFW.