-- Advertisements --
AFP

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Myanmar para masagip ang 30 Pilipino na biktima ng illegal recruitment sa Myanmar.

Sinabi ni Usec. For Migrant Workers Affairs Edwardo de Vega ang 30 Pilipino ay kabilang sa pinangakuan bilang Data Encoder pero ginawang crypto currency scammer.

Sa ngayon nasa 17 biktima ng illegal recruitment ang natulungang ng DFA na mapauwi sa Pilipinas nitong nakaraang linggo.

Sa ngayon nasa 10 biktima ay dumating sa Pilipinas noong Lunes, meron din noong Huwebes at Biyernes.