-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa pagpaparehistro ng mga online sellers.

Ayon sa BIR, itinakda ito sa Setyembre 30 na ang unang petsa ay nitong unang araw ng buwan.

Ilan sa mga dahilan ng pagpapalawig ay ang pagdagsa ng mga nagtungo sa kanilang opisina na mga online seller para magparehistro.

Patuloy din ang paanyaya ng BIR na dapat iparehistro ng mga online sellers ang kanilang negosyo hanggang sa katapusan ng buwan para hindi na sila mapatawan ng multa.

Paglilinaw din ng BIR na hindi na kasamang iparehistro ang mga online sellers na kumikita lamang ng P250,000 pababa.