BOMBO DAGUPAN- Kakulangan sa teknolohiya at sa pamamaraan ang nag udlot sa bansa upang hindi maging pangunahing pinagkukuhanan ng asin.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Westly Rosario, Former Director ng National Integrated Fisheries Technology Development Center – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, kahit pa man napapalibutan ang bansa ng sea water o tubIg dagat ay 93% ng ating bansa ay galing sa imported products. Ito aniya ay patunay na napapabayaan ang asinan sa ating bansa.
Sinabi din niya, napag iiwanan na din ang Bansa sa produksyon ng asin sapagkat hindi tulad ng ibang bansa, ay may teknolohiyang gamit at minimina ito.
Kaya naman, ikinatuwa ng kagawaran nina Rosario ang pagpasa ng senado ang Senate bill 2243 o Philippine Salt Industry Development na sumusuporta sa produksyon ng asinan sa bansa.
Kaugnay nito, nais din isulong ni Rosario ang pag gamit ng high class plastic sa paggawa ng asin kaysa sa nakasanayan.
Aniya, sa pamamagitan nito ay maaari pang makinabang ang iba pang mangingisda sapagkat wala itong permanenteng istraktura dahil inilalatag lamang ito, makakapili pa ng malinis na tubig dagat.
Hindi tulad aniya ng traditisyunal na kailangan pa magpatayo ng sahIg na gawa sa basag na paso o tiles upang pagbilaran ng tubig dagat. Ito din ay karagdagan lamang na gastusin.
Saad din niya, sa makabagong pamamaraan ay makikinabang ang mga mangingisda.
Dagdag pa ni Rosario, hiling lamang niya sa pamahalaan na bigyan ng pondo ang makabagong pamamaraan ng asinan.