Binigyang-diin ni presumptive speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na ang pagpasa sa national budget ang siyang top priority ng 19th Congress sa kanilang First Regular Session para sa 2023 General Appropriations Bill (GAB).
Sa panayam kay Rep. Romualdez, kaniyang sinabi na isa sa top five priority bills ng Marcos administration ay ang national budget.
Kumpiyansa naman si Romualdez na maipapasa ng Kongreso ang lahat na priority legislation ng Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa loob ng isang taon o sa kanilang first regular session.
Dagdag pa ng mambabatas, ang executive ang siyang may prerogative na magsumite ng National Expenditure Program (NEP) o ang proposed budget sa loob ng 30-day period mula sa delivery ng SONA.
Aniya, ayaw niyang pangunahan ang SONA statement ng pangulo at kung ano ang magiging SONA priority message na kanilang magiging cue.
Sa darating na Lunes, July 25, 2022 nakatakdang i-deliver ni Pangulong Marcos ang kaniyang SONA sa Batasang Pambansa Complex sa joint session ng House of Representatives at Senado.
Magkakaroon na rin ng marathon hearings sa pangunguna ng House Committee on Appropriations na siyang magbubusisi sa bill’s budget allocations para sa bawat department ng gobyerno.
Sa sandaling aprubahan ito ng Kongreso at pinirmahan ni Pangulong Marcos ang GAB ay magiging General Appropriations Act (GAA).
Samantala, umaasa naman si Romualdez na magkakaroon ng smooth working relationship ang House of Representatives sa Senado sa ilalim ng Marcos administration, lalo na sa tulong ng super majority coalition.
Kaya kumpiyansa si Romualdez na walang magiging problema sa working relationship ng House at Senate.
Binigyang-linaw din ni Romualdez na hindi priority program ng pangulo ang Cha-cha or charter change bagkus bukas ang Marcos administration na talakayin ito.