Inihayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi dapat madaliin ng Senado ang pagpasa ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Aniya, kailangan nito ang masusing pagtalakay ng mga senador.
Ang Maharlika Investment Fund ay magkakaroon ng malawak na epekto at bunga hindi lamang sa ating henerasyon kundi potensyal sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
Dagdag pa rito na kailangang suriin ang lahat ng nasa nasabing panukalang batas.
Kahit na ang mga comma, semicolon; at period.
Samantala, muling iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na suportado niya ang ideya ng pagtatatag ng sovereign investment fund.
Binigyang-diin ni Villanueva na kailangan ng karagdagang talakayan sa Senado upang matiyak na ang pondo ay mapapamahalaan nang maayos nang may transparency at accountability.