-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nakaalerto at naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan upang hindi makapasakop ang African Swine Fever o ASF virus sa bayan at maging sa isla ng Boracay.

Kaugnay ito sa pagkatala ng kaso sa apat na bayan sa lalawigan kung saan, ang isinusupply na karne ng baboy sa Boracay ay mula lamang sa mga hog raisers sa loob ng probinsya at walang pinahihintulutan na makapasakop mula sa mga kalapit na probinsya.

Ayon kay liga ng mga barangay president Rannie Tolosa, nagpalabas ng executive order si mayor Frolibar Bautista upang isailalim ang buong bayan kasama ang Boracay sa restricted status sa mga hog traders at livestock transport carriers.

Ang mandato aniya ng alkalde ay upang magsanib pwersa ang mga kinauukulan para magmonitor at ma-check ang mga live weight na baboy na pumapasok at dumadaan sa bayan lalo na ang mga processed pork o frozen products mula sa Metro Manila.

Nabatid ang barangay Caticlan ang entry at exit point ng mga kargada mula sa iba’t ibang lalawigan.

Sa kasalukuyan ay nananatiling ligtas sa ASF virus ang nasabing bayan at isla.