-- Advertisements --

Simula sa Pebrero 16, 2021, luluwagan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpasok sa bansa ng mga foreign nationals na mayroong valid visa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagpasya ang pamahalaan na magpatupad ng relax travel restrictions sa mga dayuhang na-isyuhan ng visa noong Marso 20, 2020 at valid pa rin hanggang sa pagdating sa Pilipinas.

Ayon kay Sec. Roque, kinakailangan lamang na ang banyaga ay mayroong pre-booked na accommodation ng anim na gabi sa isang accredited quarantine hotel o facility; kinakailangang magpa-test ng COVID-19 sa quarantine hotel o facility sa ika-anim na araw at kailangan silang magkaroon ng maximum capacity of inbound passengers at the port and date of entry.

“Itong expanded list ay without prejudice sa mga umiiral na immigration laws, rules and regulations. Ang Commissioner of Immigration ay merong ekslusibong prerogative na makapag-decision tungkol sa waiver or recall the exclusion orders ng lahat ng dayuhan na pumapasok,” ani Sec. Roque.

“Holders of valid and existing Special Resident Retiree’s Visa and Section 9(A) visas will also be permitted to enter the Philippines “as long as they present an entry exemption document to the Bureau of Immigration upon arrival,” dagdag ni Sec. Roque.

Inihayag pa ni Sec. Roque na ang Commissioner ng Bureau of Immigration (BI) ang mayroong exclusive prerogative sa pagpapasya kung iwi-waive o ire-recall ang pagpasok ng isang foreign national sa bansa.