-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Hihigpitan na ngayong araw ang pagpasok ng mga mamamayan sa Baguio City Public Cemetery bilang bahagi nang nalalapit obserbasyon ng Araw ng Mga Patay.
Papayagan ang pagpasok ng mga mamamayan sa naturang sementeryo hanggang sa Oktubre 28.
Ayon kay Baguio City Administrator Engr. Bonifacio Dela Peña, gagamitin ng mga mamamayan ang kanilang market pass upang makapasok sa sementeryo.
Maaaring makabisita sa sementeryo ang mga mamamayan depende sa kulay ng kanilang market pass.
Tanging limang kasapi lamang ng isang pamilya ang papahintulutang papasok sa sementeryo para sa pagdalaw nila sa puntod ng yumaong mahal nila sa buhay.