-- Advertisements --

Ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pagpasok ng live birds at poultry products na galing sa California at Ohio sa United States of Amerika.

Kabilang sa ban ang mga wild birds, domestic birds, mga itlog, at iba pang poultry products.

Ito ay kasunod ng kumakalat na Highly Pathogenic Avian Influenza o H5NI.

Malaking kawalan sa suplay ang pagpapatigil ng importasyon ng ng mga naturang produkto, dahil galing sa Estados Unidos ang 40-porsyento ng imported poultry products.

Bukod sa pagpapatigil ng importasyon, pinapasuspinde rin ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang aplikasyon at pagpoproseso ng Sanitary Phytosanitary Import Clearance sa mga naturang produkto.

Hindi naman kasama sa mga hinarangan ang mga nasa transit na, nang mula California at Ohio nang inanunsyo ng DA ang ban sa mga poultry products. Kinatay na kasi ang mga nasabing shipments, 14 na araw bago ang outbreak.

Kukumpiskahin ng DA o aabisuhan na ibalik sa exporting country ang mga shipments mula November 14 at November 21, 2023.