-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nilinaw ng Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi pa validated ang natanggap nilang ulat na may mga teroristang nakapasok sa Ilocos region.

Ayon kay Nolcom spokesperson Maj. Erikson Bolusan, walang dapat ipangamba ang publiko dahil patuloy pang inaalam ng kanilang hanay ang source ng report.

Para sa militar, maituturing na “raw information” ang report dahil nabatid na ikinalat lang ito sa social media.

Bukod sa imbestigasyon, inaalam na rin ng AFP kung sino ang nasa likod ng nagpakalat na impormasyon para sa karampatang parusa.