Posibleng payagan na ng Department of Tourism (DOT) ang pagpasok ng mga turista mula sa bansa na wala ng o mayroong mababang kaso ng coronavirus.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat , na ito ng kanilang nakikitang paraan na tatawaging travel bubbles o travel corridors.
Dagdag pa nito na kakausapin nila ang ibang mga bansa na mayroong mababa o “zero” case ng COVID-19 na maaari na silang magtungo sa ilang mga tourist destination ng bansa gaya ng Boracay, Bohol at maraming iba pa.
Pinapayagan lamang kasi ng gobyeron ang tourism actiivities sa may 50 percent capacity sa ilalim ng modified general community quarantine.
Magugunitang isa ang turismo sa bansa ang labis na naaapektuhan ng ipatupad ang lockdown dahil sa coronavirus pandemic.