-- Advertisements --

Tatagal pa hanggang sa ikalawang linggo ng Marso ang nararamdamang malamig na panahon sa bansa dulot ng hanging amihan.

Ayon kay PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) weather specialist Raymond Ordinario, sa kasalukuyan ay nararanasan pa ng Pilipinas ang dry season na malamig at may posibilidad na maiksi lamang ang dry season na mainit.

Kaninang alas-5:00 ng madaling araw nang bumagsak sa 19.3 degree Celsius (°C) ang temperatura sa Metro Manila, na pinakamalamig umanong naitala simula noong November 2020.

Sa report ng Bombo Radyo Baguio, 9°C naman ang pinakamababang temperaturang naitala sa Baguio City mula Enero 2021.

Nabati kay PAGASA-Baguio Weather Specialist Letizia Dispo, nararanasan din ang malamig na temperatura sa mga karatig na probinsiya ng lungsod gaya ng 16 hanggang 29 degrees Celcius sa lalawigan nga Apayao.

Nine hanggang 21 °C sa Benguet, 12-25 °C sa Mt. Province, 12-24 °C sa Ifugao, 15-25 °C sa Kalinga.

Mas mababa naman sa mga matataas na lugar tulad sa Benguet na nakapagtala ng 7.9 °C ngayong araw.

Samantala, kaugnay ng magpapatuloy na malamig na panahon ay ang paalala ng PAGASA na mag-ingat sa mga sakit na posibleng makuha sa taglamig.