-- Advertisements --

Patuloy na umaani ng positibong reaksyon ang nai-post ni Sen. Manny Pacquiao na school ID para sa University of Makati (UMAK).

Nabatid na nag-enroll si Pacquiao para sa kursong AB Political Science – Local Government Administration.

May nakalagay na caption ang larawan na “Never let your limitations limit you. Keep learning. Keep growing. #PacmanNgBayan”.

Maging ang mga kasamahan ni eight division world boxing champion sa Senado ay natuwa sa hakbang na ito ng boxing icon.