TUGUEGARAO CITY – Pinuri ni Magdalo Partylist Representative Manuel Cabochan ang katapangan ni Vice President Leni Robredo sa pagtanggap sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang war on drugs.
Ito ay sa gitna ng kanilang pagdududa sa motibo ng Pangulo sa pagbibigay sa nasabing posisyon kay Robredo.
Gayunman, sinabi ni Cabochan na maaaring sa pamamagitan ni Robredo ay magkakaroon ng bagong perspective sa madugong war on drugs ng duterte administration.
Naniniwala rin siya na hindi tatanggapin ni Robredo ang hamon kung wala itong kakayahan para gawin ang nasabing tungkulin.
Umaasa si Cabochan na ibibigay ng mga law enforcers tulad ng PDEA at PNP ang kanilang suporta kay VP Robredo sa kabila ng kanilang pagdududa sa kakayahan nito na pangunahan ang war on drugs ni Duterte.