Naniniwala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na madadagdagan na ang kanilang makukulektang kita matapos na simulan na ang pagpapataw ng buwis sa mga online sellers nitong Hulyo 15.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr na naglabas na sila ng Revenue Memorandum Circular 79-2024 para paalalahanan ang mga online sellers.
Noong Abril pa sana epektibo ang pagpapataw ng buwis sa mga online sellers subalit nakiusap ang mga ito na palawigin ng 90 araw.
Ang nasabing pagpapalawig na ibinigay ng BIR ay para makapag-adjust ang mga online sellers sa mga bagong polisiya.
Nakasaad sa bagong Revenue Regulation 16-2023 na papatawan ng 1 percent na buwis sa kalahating gross remittance ng online sellers sa mga online marketplace operators at digital service providers.