-- Advertisements --

Kinumpirma ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na ipagpapalibang ng 30 araw ang pagpapataw ng US ng 25 percent na taripa.

Ang nasabing pahayag ay matapos na makausap ni Trudeau si US President Donald Trump.

Kapalit ng tariff pause ay papaigtingin ng Canada ang pagbabantay sa border.

Dagdag pa ni Trudeau na magsasanib puwersa ang kanilang sundalo at US Joint Strike force para labanan ang pagpasok ng fentanyl, money laundering at labanan ang organized crime.

May pinirmahan din ito ng bagong intelligence directive na labanan ang organized crime at fentanyl.

Magugunitang ipinagpaliban ng US ang pagpataw ng buwis sa Mexico matapos na mangako sila na magdagdag ng sundalo na magbantay sa border.