Aprubado na ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukalanga batas na nagpapataw ng limang porsiyento ng buwis sa lahat ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Sa botong 17-3-0 ay naipasa sa Senado ang Senate Bill 2232 o pagpataw ng 5% tax sa gross gaming revenue sa lahat ng mga POGO kabilang ang kanilang gaming agents at service providers.
Bukod pa sa gaming tax ay ang mga alien individuals na nagtatrabaho sa mga lisensyadong POGO service providers ay papatawan ng 25% withholding tax rate basta hindi sila sangkot sa anumang negosyo sa bansa.
Ang nasabing panukalang batas ay inaprubahan sa second and third reading matapos na gawing urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ito.
Kapag naisabatas na ay makakakolekta umano ang bansa ng P28.7 billion sa lahat ng POGO ngayong taon.