Naniniwala si Senator Raffy Tulfo na ang plano ng Department of Finance na pagpapataw ng karagdagan buwis sa mga junk food at sweetened beverages ay magpapabigat lamang sa mga pinakamahihirap na Pilipino na umaasa lamang sa mga sa ganitong uri ng pagkain para mabuhay.
Sa isang pahayag , sinabi ni Tulfo na ang Junk Food ay isa sa mga itinuturing ng mga mahihirap bilang isang pangangailangan.
Paglalahad pa ng opisyal na paminsan-minsan ay kumakain sila ng chips para mabusog at malamnan ang kanilang kumakalam na tiyan.
Ayon sa senador, anti- poor ang pagtaas ng buwis sa junk food at matamis na inumin
Nanawagan rin ito sa Bureau of Internal Revenue na huwag pagdiskitahan ang mga chichirya at sa halip ay taasan na lamang nila ang taxes sa mga food supplements and cosmetics na kung saan multibillion-peso ang kinikita at tiyak na hindi nito maapektuhan ang mga mahihirap.