Labis na ikinatuwa ng Mexican government ang pag-urong ni US President Donald Trump nang pagpapataw nito ng mas mataas na taripa sa kanilang mga produkto.
Sinabi ng presidente na mayroon nang nabuong kasundan sa pagitan ng Mexico at United States.
Ayon kay Trump, nangako umano ang Mexico na babantayan at mas lalo pa nitong hihigpitan ang seguridad sa southern boarder upang pa-unti-unting mapigilan ang pagpasok ng mga illegal immigrants sa US.
Nakasaad sa guidelines nang nasabing agreement ay ang pagpapadala ng Mexico sa 6,000 myembro ng kanilang national guards upang bantayan ang Southern border sa Guatemala. Dagdag pa rito ang pagpayag ng Mexico na higpitan ang aksyon at pagbabantay laban sa human smuggling at trafficking organizations pati na rin ang kanilang illicit financial at transportation network.
Nagpasalamat naman si Mexican Foreign Minister Marcelo Ebrard sa lahat ng sumuporta sa negosasyon nito kasama ang Estados Unidos.
Umaasa naman si Secretary of State Mike Pompeo na tutuparin ng Mexico ang kanilang napagkasunduan na sigurado raw na may magandang dulot sa parehong panig kapag maganda ang kinalabasan.
Kung matatandaan, ilang beses nang nagbanta si Trump na tataasaang taripa sa mga proudkto ng Mexicoa na maaaring pumalo mula 5-25% kada buwan.