-- Advertisements --
Tinawag na “Day of Shame” ng grupo ng anti-junta ang ginawang brutal na pagpatay ng security forces sa 50 mga protesters sa nagpapatuloy na crackdown sa Myanmar.
Dahil sa ginawa ng militar, sinalungat nito ang tungkulin na dapat gampanan na protektahan ang mga mamamayan ng nasabing bansa at pagsisikap na maibalik ang demokrasya.
Base sa report, binaril sa ulo at likod ang mga protesters na nasa kalsada ng Yangon, Mandalay at iba pang mga lugar ng bansa habang ipinagdiriwang ng mga military generals ang Armed Forces Day.
Ipinagdiwang umano ng mga military generals ang pagkapatay ng mahigit 300 inosenteng sibilyan.