-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Kinondena ng militar ang pag-atake ng umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sulat, Eastern Samar kamakailan.

Tinawag na “barbaric” o marahas ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ang pagsugod ng pinaniniwalaang Special Partisan Unit ng NPA.

Ayon kay police Lt. Antonio Docena, chief of police ng Sulat Municipal Police, patay ang isang dating miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na si Juancho Basada at isa pang sibiliyan na si Winifredo Guballo.

Batay sa ulat, nilapitan ng dalawang suspek ang former CAFGU member habang nasa loob ng sabungan at pinababaril.

Nakaganti pa raw si Basada kaya dalawang pinaniniwalaang NPA din ang namatay sa palitan ng putok.

Sa ngayon patuloy na inaalam ng otoridad ang motibo sa likod ng krimen.