Mariing kinokondena ni Sen. Robinhood Padilla ang pamamaril sa broadcaster na si Percy Lapid nitong Lunes ng gabi.
Sinabi ni Padilla, walang puwang sa ating lipunan ang mga ganitong karumaldumal na krimen, maging nasa media man, sibilyan o unipormado.
Ayon kay Padilla, ang pagkakapaslang na ito sa isang mediaman ay pagyurak po sa malayang pamamahayag na pinagtitibay ng ating Saligang Batas.
“Ako po ay nakikiramay sa pamilya at sa mga mahal sa buhay na iniwan ni Percy – at nananawagan sa ating mga awtoridad na hulihin ang mga salarin at lutasin ang karumal-dumal na krimeng ito sa lalong madaling panahon. Nakikiisa ako sa hangad ng taumbayan na magkaroon ng hustisya kay Percy, at mapatawan ng karampatang parusa ang mga pumaslang sa kanya,” ani Padilla.
-- Advertisements --