CEBU CITY – Kinondena ngayon ng Commission On Human Rights (CHR-7) ang pagpamatay kay former Medellin Mayor Ricardo “Ricky” Ramirez matapos pinasok sa kanyang kwarto sa Bogo-Medellin Corporation Medical Center habang naka-hospital arrest.
Ito ang pahayag ng director ng CHR-7 na si Atty. Arvin Udron sa panayam ng Bombo Radyo Cebu.
Ayon kay Udron, dahil 15 katao ang suspect sa nasabing krimen at adbokasiya ng CHR ang pagpreserba ng buhay ng isang tao kaya ito ang dahilan na nagpalabas sila ng statement na kanila itong kinondena.
Nanawagan din ang direktor sa mga pulis na pangunahan ang imbestigasyon sa nangyari sa former mayor at incumbent councilor para matumbok kung sino ang tunay na mga responsable.
Dagdag pa ni Udron, mino-monitor din nila ngayon ang takbo ng imbestigasyon.
Samantala, blangko pa rin ang mga otoridad sa motibo sa pagpaslang lalo na’t wala pa silang nakuhang kongkretong detalye mula sa mga witness at wala ring CCTV camera sa naturang hospital.