-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nilinaw ni Police Captain Ramon Atenta, Hepe ng Butuan City Police Station-4 na personal grudge ang motibo sa pagpatay sa isang icedrop vendor sa alas 7:30 kagabi sa may Emelda Mar, Manila de Bugabus nitong lungsod ng Butuan at hindi tulis.

Ito ay matapos nakumpirma na hindi nawala ang pero at pitaka ng biktimang si Cezario Miano, 63-anyos na taga Purok-7A, Barangay Bading, Butuan City.

Ayon kay Police Captain Atenta na mayroon silang naaresto na isa sa tatlong mg suspek na nakilalang si Romeo Ramos, 41-anyos na taga Purok-4, Lawan-lawan, bayan ng Las Nieves, Agusan Del Norte.

Saysay pa sa hepe na base sa kanilang pagtatanong sa suspek, nagka-alitan umano sila sa biktima nang nagkasama sa inuman.

Habang nagbiyahe na ang biktima, hinabol ito ng mga suspek sakay ang isang single motor at hinaharangan.

Dito na pinagsasak-sak at pinagtataga ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte sa katawan kasama nito ang nasa le-eg na siyang dahilan sa agarang kamatayan.

Sa ngayon ay patuloy pa ang paghahanap sa dalawa pang mga suspek na tumakas matapos ang ginawang kremin.