CAUAYAN CITY – Hustisya ang panawagan ng bagong upong Isabel Gov. Rodito Albano para sa pagkamatay ng dating board member ng isang bayan sa lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Albano na nakahanda na ano mang oras ang itatalaga niyang task force na tututok sa imbestigasyon.
Ito’y dahil on-going pa raw ngayon ang pagsisiyasat ng mga pulis sa kaso.
Posible rin daw na maglabas ng reward money ang provincial government sa makapatuturo sa salarin.
Batay sa ulat, pauwi na si Napoleon Hernandez, board member sa bayan ng San Mateo, nang pagbabarilin ng riding in tandem suspects ang sasakyan nito sa Brgy. Dagupan.
Naisugod pa raw ito sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival.
Kilala umano si Hernandez na dating presidente ng Liga ng mga Barangay Federatio-Isabela at itinalagang farmers sectoral representative.
Katunayan ay idinekalara pa raw itong municipal administrator sa naturang bayan.