GENERAL SANTOS CITY – Personal grudge ang isa sa tinitingnan na motibo sa brutal na pagpatay sa isang area supervisor ng manpower agency sa Casquejo Street, Barangay Dadiangas East, GenSan.
Ayon kay P/Major Renato Dunca Jr, Chief of Police ng Pendatun Police Station na may person of interest sa pagpatay sa biktimang si Anthony Abella, nasa hustong gulang, at nakatira sa Barangay Conel, nitong lungsod.
Batay sa kuha sa CCTV sa paligid ng opisina na dalawang lalaki ang pumasok sa opisina ng biktima at mabilis ring umalis paglipas ng ilang minuto.
Matatandaang ala 1:40 ng hapon nakaraang araw nang nadiskubre na lang ng mga kasama nito na tadtad ng saksak ang biktima habang nasa comfort room.
Ang biktima ay nakatali ang kamay at paa ng packaging tape.