-- Advertisements --
image 78

Huli sa CCTV ang pagpatay sa isang barangay official sa Maguindanao, Linggo ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Abdul Malik “Loy” Uban, First Barangay Councilor of Polloc, Parang, sa Maguindanao, binaril ito sa public terminal ng nasabing lugar. 

Samantala ang kanyang asawa naman ay nasugatan din at ngayon ay nasa kritikal na kondisyon.

Sinabi ni Parang Municipal Police Chief, Police Major Christopher Cabugwang na sakay ng kanilang sasakyan ang mga biktima nang pagbabarilin sila ng dalawang armadong lalaki.

Huli naman sa CCTV ang krimen.

“May persons of interest na po tayo at nagsasagawa po tayo ng pursuit operation subject for verification ng ating mga witnesses,” ayon kay Cabugwang.