Kinondena ng pamunuan ng Department of Education ang kaso ng pagpaslang sa isang grade 8 student sa Agoncillo, Batangas.
Batay sa inilabas na pahayag ng ahensya, ipinaabot nito ang kanilang panalangin at pakikiramay sa pamilya at kaanak ng biktimang pinatay.
Paliwanag ng ahensya na ang aksyon na ito na ginawa sa biktima at hindi makataong gawain at gawain lamang ng isang kriminal.
Giit pa nito na walang lugar sa mga komunidad ang ganitong uri ng kahangalan dahil ang mga kabataan aniya ang pag-asa ng bayan.
Kaugnay ng nasabing insidente, siniguro ng DepEd na nananatiling ligtas at child-friendly environment ang mga paaralan sa bansa.
Kanila ring hahabulin ang salarin upang mapanagot ito sa kanyang kahalangang ginawa sa biktima.
Nananawagan din ito sa mga kinauukulan na tutukang mabuti ang kaso na ito.