-- Advertisements --

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamamaril sa isang campaign sortie sa Barangay Illuru Sur, Rizal, Cagayan noong 23 Abril 2025, na nagresulta sa pagkamatay ni Mayor Joel Ruma, isang lokal na opisyal at mayoralty candidate.

Ang kaso ay ini-refer sa CHR Region II para sa agarang imbestigasyon at tamang aksyon laban sa insidente.

Ayon sa ulat, ang mga biktima ay dinala sa ospital, kung saan idineklarang patay ang opisyal, habang ang mga nasugatan ay kasalukuyang nagpapagaling.

Nanawagan ang CHR na itaguyod ang karapatang mabuhay at kinondena ang tumataas na karahasan laban sa mga opisyal at kandidato na nagbabanta sa demokratikong karapatan ng mga mamamayan.

Binigyang-diin ng CHR ang pangangailangan ng mahigpit na pagpapatupad ng election gun ban at mas epektibong seguridad sa mga campaign activities upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa eleksyon.

Hinimok ng CHR ang lahat ng sektor na magtulungan para sa isang ligtas at makataong eleksyon, na walang takot, pamimilit, o karahasan.