-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Rey Leonardo Guerrero ang kasong pagpatay sa isang matandang pari sa Nueva Ecija kagabi.

Ang napatay na si Father Marcelito “Tito” Paez, 72-anyos, ay kilalang human rights advocate sa lugar.

Ayon kay Guerrero, bagama’t wala pang report na militar ang may kagagawan sa insidente, siniguro nito na mananagot ang mga ito.

Pagbibigay diin ni Guerrero na kapag napatunnayang lumabag sa human rights ang mga sundalo ay ipapatupad ng AFP ang kaukulang aksyon.

Aniya, may mga insidente na rin noon kung saan pinagbintangan ang mga government forces.

“We have been confronted with these challenges in the past, ang normal na action naman natin diyan is to investigate and make sure if indeed, our government forces have been remiss, or have been found violating human rights, then we appropriate action,” pahayag ni Guerrero.