BAGUIO CITY UPDATE – Kinokondena ng Committee on Indigenous People’s Concern ng Regional Development Council Cordillera sa pagpatay sa Vice Mayor at Representative ng Indigenous Peoples na si Richard de San Jose.
Ayon kay Ryan Dale Mangusan ng CIPC-RDC Cordillera, nakikipagdalamhati sila sa kalunos-lunos na pagkamatay ni San Jose.
Umaasa ang buong miyembro ng CIPC-RDC a mabigbigyan ng hustisya ang pagkamatay ni San Jose.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng PNP ang motibo at mga suspek sa pagpaslang sa dating mayor at vice mayor ng Flora, Apayao
Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kasamahan sa harap ng isang restaurant sa Poblacion West ng biglang binaril si San Jose ng dalawang suspek na hindi pa nakikilala.