-- Advertisements --
Duterte leyte

TACLOBAN CITY – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Chen Yi Agventures Rice Processiong Complex sa Barangay Mudburon, Alang-alang, Leyte.

Sa kanyang naging talumpati ipinahayag ni Pangulong Duterte ang kanyang lubos na pagpapasalamat sa Chen Yi Agventures sa pamamagitan ng may-ari nito na si Patrict Renuncci at Rachel Renuncci-Tan dahil sa pagpapatayo nila ng rice processing complex na malaki ang maitutulong sa sektor ng pagsasaka.

Gayundin para makamit ang rice self-sufficiency ng ating bansa.

“This project is a testament to our commitment to find more ways to actively respond to the various problems and challenges confronting the agricultural industry. Complex that we are taking initiatives to sustain our rice supply and ensure food security for our nation,” ani President Duterte.

Ang Chen Yi Agventures ang pinakamalaki at pinakamagandang rice plant sa bansa na naglalayong mapaunlad ang industriya ng pagsasaka at hanapbuhay ng mga magsasaka partikular na sa probinsya ng Leyte.

rice processing
Chen Yi Agventures Rice Processiong Complex inBarangay Mudburon, Alang-alang, Leyte

“Really, I’d like to thank you from the bottom of my heart. And if we can work together, if you want to stay in the Philippines, and I said considering the amount that you have invested… I’m not that rich but I can give you another (PHP)1.5 billion to do your thing,” mensahe pa ni Duterte sa mga Renucci.

Ang naturang planta ay ipinatayo sa halagang sa P1.7 billion at mayroong fully automated rice milling at drying facility na kayang makagawa ng 25,000 metric tons ng bigas kada taon.