Umabot na sa 17 estado ang nagpapakita ng kanilang suporta para sa demanda sa halalan ng Texas.
Ang Missouri at limang iba pang mga estado ay nagpakita ng kanilang suporta na naglalayong pigilan ang mga electors ng Georgia, Pennsylvania, Michigan at Wisconsin na ipadala ang kanilang electoral votes.
Hiningi nila sa Korte Suprema na payagan silang sumali sa legal action na ginawa ng Texas.
Pinamunuan ng Missouri sa pamamagitan ni Attorney General Eric Schmitt ang grupo ng 17 estado sa pagsampa ng legal action bilang suporta sa ginawa ng Texas kung saan inakusahan ang apat na key swing states na bomoto kay President-elect Joe Biden na nilabag nito ang kanilang Konstitusyon.
Ikinagalit ng mga ito ang pagkakaroon ng judicial at executive branches ng mga estado na gumawa ng mga pagbabago sa kanilang presidential elections kaysa sa kanilang lehislatura.
Ang reklamo na isinampa ng 17 estado ay siyang makakapag-antala sa presidential elector appointment.
Sinabi ng Missouri na bukas din sila sa alegasyon na may nangyaring malawakang dayaan sa kanilang halalan. (with report from Bombo Jane Buna)