GENERAL SANTOS CITY – Hindi pa panahon para tumigil sa pag boksing si Reymart Gaballo matapos ang 4th round knockout loss kay WBC Bantamweight champion Nonito Donaire Jr.
Ito ang mensahe ni boxing trainer Dodong Donaire sa ama ni Reymart na si Roger Gaballo matapos sinabi na patigilin na sa pag boxing ang anak.
Ayon kay coach Donaire na dagdagan ang refinement sa mga punches at depensa at hinde ang pag discourage sa profession ng anak.
Matapos matalo si Gaballo umakyat ng ring si Dodong at hinawakan ang ulo ng Gensan boxer at bilang Ama pinayuhan nito na huwag tumigil dahil malaki ang tsansa na maging world boxer pagdating ng araw.
Mismong sa locker ni Gaballo pinuntahan din ng mag-amang Donaire at muling pinayuhan si Gaballo na i adjust ang depensa dahil nasa kanya na ang lakas sa pagsuntok .
Nalaman na pinakita ni Nonito Donaire ang No Mercy plan sa kalaban sa itaas ng ring bagaman isa ring Pinoy ang kanyang nakalaban.
Dahil sa panalo ni Filiino flash target ngayon ng team Donaire ang unification bout kay unified bantamweight world champion Naoya Inoue ng Japan.